Sa wakas, natutunan ko ring mahalin ang sarili,
Hindi ito drama, kundi dangal sa huli.
Pinili ko ang kapayapaan sa gitna ng gulo,
At ang katotohanan na ang naging gabay ko.
Dating umaasa, naniwala sa pag-ibig,
Ngunit mula ngayon, wala ka nang maririnig.
Walang mensahe, walang papuri, ni galit na sigaw
Tanging katahimikang magpapagaling sa araw-araw.
Minahal kita nang higit sa aking plano,
Ibinigay ang lahat, walang itinira sa puso ko.
Naghintay nang buong tiyaga, umaasang balang-araw,
Makikita mo rin ang munting mahiwagang tanaw.
At dahil hindi mo nagawa, hindi na ako magpapaliwanag,
Hindi na maghahabol sa pag-ibig na na walang saysay.
Hindi ko na hihilingin ang dapat ay kusang ibinigay—
Lalayo nang tahimik, taglay ang malayang buhay.
0 Comments