Isang araw chill ka lang, running the blog as usual, tapos BOOM—may biglang pumasok na email. Flagged at binaba raw ang buong site dahil nag-violate sa "Malware and Similar Malicious Content policy." Pambihira, napahawak na lang ako sa dibdib! Paano naging cyber threat ang simpleng pagblo-blog ko?
Siyempre, unang reaksyon: “Hala, ano 'to? Seryoso ba?!” Pero imbes na mag-panic, diretso agad sa appeal button. Kapag nakaexperience ka ng ganito na nagkamali lang pala, hindi tayo basta-basta nagpapatalo. Nag-submit ng review request, nakiusap nang maayos, at nag-antay sa kahit papano'y nakakakaba na reply.
At ayun na nga, pumasok din ang pinakahihintay na email of redemption: "Upon review, the blog has been reinstated."
Sa wakas, Athanverse is officially back online! Nakakatawa na kailangan pa ng ganitong klase ng plot twist para mas lalo akong gahanang mag-post, pero consider this a short commercial break. Buhay na buhay ulit ang site, walang malware, at mas maraming kwento ang paparating.
Salamat sa mga nag-antay habang nalagay tayo sa temporary digital exile—back to regular programming na tayo! 😍
0 Comments