February 16, 2005. 20 na taon na pala akong papansin na blogger. 20 na taon na din pala akong may online diary pero hindi ko buhay ang nakasulat. 😉 Dati wala pang pera sa blogging, nagsusulat ka lang dahil gusto mong i-share ang opinyon mo o ‘di kaya naman ay trip mo lang, minsan pa nga nagbloblog ka para magpacute sa crush mo. 😉 Mahaba na din pala ang panahong nakasama ko ang mga online friends ko. 😉 dahil sa pagbloblog nagkaroon ako ng mga online friends na magtatanggol sa akin kapag may mga online haters na nang-aaway sa akin.
Dahil 20 years na akong blogger, gusto ko may bago naman. Yung online diary ko siguro dapat kwento naman ng buhay ko ang nakasulat. 😉 ‘yung kahit walang kwenta lang na post basta tungkol sa akin at ‘yung dati na walang pakialam sa $$$. 😉 haha
Dahil 20 years na tayong feeling blogger, may bago tayong tagline: "Tunay lamang ang mananatili."
www.athanverse.com
0 Comments