Naalala ko na naman yung quote na nabasa ko:
"I’m scared that if I let myself be happy for even one moment, the world’s just gonna come crashing down and I don’t know if I can survive that."
Sapol na sapol ako. Ganitong-ganito yung nararamdaman ko ngayon.
Takot akong mag-enjoy, takot akong maging kampante, kasi feeling ko "too good to be true" lahat. Na kapag hinayaan ko ang sarili kong maging masaya kahit isang saglit lang, biglang may darating na bagyo at wawasakin lahat ng meron ako.
At ang pinakamatindi? Yung takot na baka sa susunod na pagguho ng mundo ko, hindi ko na kayang bumangon. Baka wala na akong matirang lakas para buuin ulit yung sarili ko.
Bakit ba ako laging "on guard"?
Siguro kasi, pagod na ako. Pagod na akong mabigo, masaktan, o mawalan. Sanay na ako na laging may bagyo, kaya kapag sumikat ang araw, imbes na mag-sunbathe, ang hinahanap ko ay payong. Takot akong maging kampante kasi feeling ko, doon ako pinaka-vulnerable.
Pero naisip ko lang... Hanggang kailan ako magtatago sa takot? Kakailanganin ko bang maging malungkot habambuhay para lang hindi ako "mabigla" kapag may dumating na problema? Parang ang lugi ko naman nun.
Siguro, kailangan ko lang tanggapin na ang saya at lungkot, magkasama talaga yan. At kahit nakakatakot yung "crashing down" part, kailangan ko ring paniwalaan na mas matatag ako kaysa sa iniisip ko. Naka-survive naman ako dati, ’di ba? Kakayanin ko rin sa susunod.
Sana bukas, mabawasan yung kaba. Sana bukas, hayaan ko naman ang sarili kong tumawa nang hindi nag-aalala kung anong mangyayari sa susunod na oras.
Kahit sandali lang. Kahit isang moment lang.

0 Comments